UTEACH development team

UTEACH is the University Teachers' Evaluator and Class Handler (a.k.a. TUTOR)

Wednesday, February 01, 2006

'naantok


bago pala makapag-save ng grades sa db, kailangan maayos ang pagkakarepresent ng criteria (long exam, papers, etc) ng isang class. kaya, to the dismay of my groupmate who wrote this class, ni-rewrite/reconstruct ko yung ginawa nya para ma-accomodate yung features na ilalagay ko.

hindi pa finished yang nasa picture. sabi kasi nung original na gumawa nyan, mas maganda raw kung merong text box na nagsasabi kung anong type ng error yung nangyayari. dyan kasi, disabled lang yung button until 1) 100 ang sum ng percentages, 2) walang criterion na walang name, at 3) walang criterion na umuulit.

ngayon, nakakakalahati na ako sa pag-ayos ng class na 'to. bago siguro mag-weekend pag-save sa db na ang pinagkaka-abalahan ko. after nito, ok na!

although we are way WAY behind schedule, optimistic pa rin ako na matatapos 'tong project na 'to.

tulog muna ako.

Wednesday, December 21, 2005

success!

natapos ko nang i-update yung version ng Cloudscape natin!!! woohoo!! naka 10.1 na tayo, although i spent 3 days doing this. damn! medyo mahirap intindihin at masyadong technical kasi yung manuals kaya puro basa muna ako noong una. pero ok na, restructured na sya. tapos nahirapan pa ako dun sa mga SQL commands, kaya pati ito ni-review ko pa nang konti. hay...

ngayon, pwede na akong mag-save sa db ng grades. dati kasi puro classes at students pa lang ang laman.

nga pala groupmates, noong minsang umakyat dito sa 4th flr si sir mac, hindi raw gaanong appealing yung bagong pangalan ng project. actually, hindi sya nag-react, which to me translates as hindi appealing.

Monday, December 19, 2005

Somebody Help Me

Somebody Help Me
Full Blown Rose
Opening Song from Tru Calling
Fox Broadcasting Company

sa totoo lang, delayed na ako sa projected schedule ko. last week ko pa lang kasi na-download yung bagong Cloudscape 10.1, kaya puro basa muna ako ng manuals kung anu-ano ang bago. may mali rin pala yung tables ng DB kaya irere-structure ko pa sya. which means made-delay yung pag-save ko sa db.

inuumpisahan ko na rin palang i-incorporate yung Open Office Viewer ni LG.

may topak pa rin yung sorting. ganito sya mag-sort pag non-decreasing: 10, 100, 20, 200, 90. yung unang digit lang yung tinitignan nya. under reconstruction na rin itong part na to.

i plan to have the above functionalities up and running correctly before the year ends *optimistic*.

Wednesday, November 09, 2005

may sem break nga ba?

natapos ko na sa wakas ang pag-optimize at pag-minimize ng code namin... dati kasi nasa iisang class lang halos lahat ng interfaces/components, napakarami ring variables na hindi naman nagagamit, masyado ding cluttered ang code, wala pang mga comments. kaya ngayon, mas madali nang magdagdag ng mga components; simpleng instanciation lang nga mga classes tapos konting method calls, okay na... woohoo!!! (sana noong umpisa pa lang, ganito na ang pagkakagawa. :P)

linis talaga ang ginawa ko ngayong sem break para konting features na lang ang gagawin namin ngayong second sem at hindi na kasabay ng paggawa ng thesis ang iba pang requirements.

nagawa ko na ring mag-alternate iyong kulay ng mga rows ng table, ok na rin yung sorting (kaya lang nauuna yung 100 sa 20, nakalimutan ko yung term for this :), so konting-konting modifications na lang)

ang susunod ko nang gagawin ay mag-save sa database ng grades, ngayon ko lang kasi na-detect na mali 'yung tables ng db, at mag-a-update na rin kami ng version ng Cloudscape.

Wednesday, August 31, 2005

NOOO!!!

i started rewriting code from summer because i realized that some of them were... uhm... not good. some were just little pieces knit together to make the "kabuuan" and even, some pieces used to cover up "holes", so whenever i made little modifications, some actions/tasks no longer work. so i could not move on without cleaning these up. good luck.

as to the issue of the project's name, the group had yet to come up with a more proper name. =)

and we still had not resolved the issue regarding the dragging-and-dropping of files to the calendar (thus making them available to that date and time). making these two components visible at the same time was difficult to achieve.

p.s. excuse my subject-verb agreement/s